MANILA, Philippines — Nilabas na ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng pinakahuling performance appraisal survey para sa independent at comprehensive assessment ng pagiging epektibo ng mga City Mayors sa Region 4.
Ang survey ay dumaan sa pitong criteria kabilang ang delivery, financial acumen, economic progress, leadership governance, environmental conservation, social initiatives, at community engagement.
Sa “Boses ng Bayan” performance evaluation ay umiskor si Lipa City Mayor Eric Africa ng 89.72% at Tagaytay Mayor Abraham “Bambol” Tolentino na nakakuha ng 88.85%, kaya ang dalawa ang nanguna.
Sumunod si Sta. Rosa Mayor Arlene Arcilla, 87.51%, pang-apat ang bagitong mayor na si Calamba City Mayor Ross Rizal, 86.73%, fifth si Antipolo Mayor Jun Ynares, 86.67%.
Namayagpag din sina Beverly Dimacuha ng Batangas (85.93%), Vicente Belen Amante ng San Pablo (85.68%), Imus Mayor Alex Advincula, 83.22%, Jenny Barzaga ng Dasmariñas, 83.10%, Marilou Morillo ng Calapan, 82.87% at Cavite Mayor Denver Chua, 80.35%.
“Evaluations like these fortify the democratic process by instilling a sense of accountability,” ani Dr. Martinez. “They shed light on the performance of our public servants, making their actions transparent and relatable to the populace,” wika ni Dr. Paul Martinez ng RPMD.
Ang regional survey o “Top City Mayors-Region 4 (4a/4b),” ay bahagi ng national “RPMD’s Boses ng Bayan” poll na isinagawa mula June 25 hanggang July 5, 2023.
Nasa 10,000 registered voter sa iba’t ibang Distrito ang lumahok.