MANILA, Philippines — Lumakas na ang bagyong Hanna at patuloy na magpapalakas ng habagat rains na pinalakas din ng dalawa pang sama ng panahon, ayon sa PAGASA.
Namataan si Hanna alas-11 ng umaga kahapon sa layong 785 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Naabot na ni Hanna ang typhoon category dahil umabot na sa 120 kph ang dala nitong hangin at may pagbugso na umaabot sa 150 kph.
Inaasahang kikilos si Hanna sa kanluran hilagang kanluran o hilagang kanluran sa buong forecast period.
Inaasahang si Hanna ay magla-landfall sa bisinidad ng Yaeyama Islands sa Ryukyu archipelago ngayong Sabado.
Si Hanna ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas, Linggo ng umaga.
Inaasahan din na maaabot ni Hanna ang peak intensity ngayong Sabado at unti-unting hihina oras na mag-landfall sa China.