Pangulong Marcos biyaheng Indonesia
MANILA, Philippines — Magtutungong Jakarta, Indonesia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo para sa 43rd ASEAN Summit and Related summits.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) office of Asean Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu na nagpaunlak si Marcos sa imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo mula Setyembre 5-7,2023.
Si Widodo ang tumatayong chairman ng ASEAN ngayong taon.
Idinagdag pa ni Espiritu, na ang 43rd ASEAN summit ay magsisilbing follow on ng mga napag-usapan sa 32nd Asean summit na ginanap nitong Mayo 2023 sa Bajo, Indonesia.
Kabilang umano sa inaasahang isusulong ng Pangulo ang interes ng Pilipinas sa usapin ng seguridad sa pagkain at enerhiya, pagtugon sa epekto ng climate change, proteksyon ng migrant workers, post-pandemic recovery, digital at creative industries, MSMEs at international order.
Isusulong din umano ng Pangulo ang paglaban sa human trafficking, gayundin ang isyu sa South China Sea.
Ayon pa kay Espiritu na paninindigan ni Pangulong Marcos ang posisyon ng Pilipinas sa freedom of navigation sa South China Sea alinsunod sa international law, gayundin sa mga isyung may kinalaman sa Ukraine at Myanmar at ang mga nagaganap na geopolitical rivalries sa Indo-Pacific region.
Nilinaw naman ni Espiritu na wala namang nakasaad sa schedule ng Pangulo na ibibida o iaalok nito sa mga dadalong lider sa summit ang Maharlika Investment Fund, kundi ang pangkabuuang usapin ng kalakalan at pamumuhunan.
- Latest