Batuta, pito ng mga pulis hirit ibalik!

Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa in the Senate on this photo uploaded on his official Facebook fanpage.
Photo from the Office of Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa via Facebook

MANILA, Philippines — Nais ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na ibalik ang paggamit ng baton at pito bilang bahagi ng unipome ng mga pulis.

Ito ang mungkahi ni Dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa pagpaslang sa menor-de-edad na si Jemboy Baltazar matapos pagbabarilin ng anim na miyembro ng Navotas PNP.

Sa nasabing pagdinig, nabatid ng senador na walang ibang non-lethal o hindi nakakamatay na gamit ang mga pulis kundi baril agad.

Sa tingin ng senador, ito ang dahilan kaya diretsong gumagamit ng baril ang mga pulis para pasukuin ang isang suspek at wala silang ibang opsyon na maliban sa dala nilang armas.

Inirekomenda ni Dela Rosa, na dating hepe ng PNP ang paggamit ng batuta at pito sa mga pulis subalit dahil sa napapangitan ang mga pulis sa batuta kaya mas mabuti umanong baton na lamang ang gamitn.

Iginiit pa ng mambabatas na kapag pinituhan ang isang tinutugis na suspek ay “sign of authority” na ito at hindi iyong papuputukan agad ang isang hinihinalang salarin.

Show comments