MANILA, Philippines — Matagumpay na naisagawa ng Polident, nangungunang denture care brand sa Pilipinas mula sa Haleon, ang Oplan Balik Ngiti Advocacy Campaign na inilunsad noong March 24 kasabay ng pagdiriwang ng World Oral Health Day.
Layunin ng Oplan Balik Ngiti na maitaas ang kamalayan ng mga kababayan nating Pilipino ukol sa proper denture care, maituro ang tamang pangangalaga ng pustiso at gawing accessible ang pagkakaroon ng pustiso sa pakikipagtulungan sa Philippine Dental Association (PDA) at Philippine Association of Registered Dental Technologists (PARDTI).
Ibalik ang ngiti ng mga Pilipino
Ang pangunahing layunin ng kampanya ay mabigyan ng pustiso ang 1,000 Pilipinong walang kakayahang matustusan ang pagpapakabit nito. Gayun na rin ang mabigyan ng libreng denture kits ang humigit-kumulang 50,000 na mga may pustiso upang mapanatili nila ang kanilang oral hygiene.
Bilang bahagi ng kanilang misyong mabigyan ng atensyon ang nakakapinsalang epekto ng pagkawala ng ngipin sa kumpiyansa ng isang tao, naglibot ang Polident sa 30 barangay sa 10 iba’t ibang siyudad sa bansa gaya ng Manila City, Quezon City, Caloocan City, Muntinlupa City, Dasmariñas, Laguna, Malolos, San Fernando, Cebu City, at Davao City.
Nagbigay liwanag at pag-asa
Gumawa rin ang Polident ng isang documentary film upang maipakita ang paghihirap na nararanasan ng mga taong nawalan ng ngipin at epekto nito sa kumpiyansa nila sa kanilang sarili.
Sa pamamagitan ng kanilang mga testimonya, nabigyan ng docu film ng kaliwanagan ang mga pagsubok na kinaharap nila. Naipakita rin nito ang mga tagos sa pusong salaysay ng mga nakapanayam kung saan nabigyang-linaw ang lalim ng epekto ng pagkabungi, na nagdulot ng kahirapan sa kanila upang makausad sa buhay, mapapinansyal man o pakikihalubilo sa ibang tao.
Binigyang-diin din dito ang importansya ng pagkakaroon ng good dental health at ang mahalagang papel na ginagampanan ng pustiso upang maibalik ang kumpiyansa sa sarili at kakayahan nitong makapagpabago ng buhay ng isang tao.
Oplan Balik Ngiti participants
Nakipagtalakayan naman ang Polident sa #OplanBalikNgiti recipients upang personal na marinig mula sa kanila ang malaking pagbabago na dala ng adbokasiya sa kanilang buhay. Dito ay naibahagi nila ang kanilang mga kuwentong nagbigay-inspirasyon.
Nagkaroon din ng magandang epekto sa kanilang hanapbuhay ang pagkakaroon ng pustiso.
Gaya ni Laine Ilagan, isang talented make-up artist, na ibinahagi kung paano nabuksan ng libreng pustiso mula sa kampanya ang maraming pinto ng oportunidad para sa kanya.
Habang ang tricycle driver na si Jeff Diang at ang tanod na si Francis Gravoso ay mas naging confident na ring humarap nang nakangiti sa mga pasahero at sa mga nakakasalamuha nito.
At may kumpiyansa na rin daw si Francis upang humanap ng magandang hanapbuhay at humarap sa employers na gusto nitong pasukan
“Sa ngayon, malaking pagbabago talaga. Nakakaharap ko na ‘yung gusto kong makausap, dati hindi ako nakakaharap, nahihiya ako kasi wala nga akong ngipin. Napagtatawanan ako. Pero ngayon buo na ang ngipin ko,” masayang pahayag ni Francis.
Iba rin ang sayang dulot ng ngiti na tila nakakahawa kaya naman importante para kay Lorena Argame, isang housewife, ang ngiti lalo na tuwing kapiling ang pamilya at hindi na nahihiyang dumalo sa family gatherings.
Kaya malaki ang pasasalamat niya mula nang makabitan siya nito, “Maraming maraming salamat dahil binigyan nila kami ng pagkakataon na magkaroon ng bagong pustiso at makangiti sa tao. Talagang ang laking tulong po. Talagang malaking pasasalamat po dahil sa kanilang proyekto nabigyan kami ng balik-ngiti.”
Hindi rin ito namimili ng edad, dahil si Edong Dimacali na isang estudyante ay naibalik din ang tiwala sa kanyang sarili at nabago ang kanyang pang-araw-araw na buhay lalo na sa tuwing papasok siya sa eskwelahan. Aniya dumami na ulit ang kanyang mga kaibigan.
Positibong pagbabago
Ang kanilang mga kuwento ang nagpatotoo sa naging life-changing impact ng kampanyang Oplan Balik Ngiti ng Polident. Malaki ang dalang pagbabago nito sa pamimigay ng libreng pustiso at pag-promote ng oral health awareness.
Hindi lang nito naibalik ang kanilang mga ngiti kundi nagkaroon sila ng kumpiyansang abutin ang kanilang mga pangarap at sikaping mapabuti ang paglago ng kanilang hanapbuhay, pati na rin ang pagkakataong makihalubilo.
Kaya naman isang malaking tagumpay ang nakamit ng Polident sa kampanya nitong #OplanBalikNgiti sa tulong din ng pakikipagtulungan sa dental specialists, media partners at influencers. Habang nakapagbigay rin ito ng kaalaman tungkol sa oral hygiene at denture care sa pakikiisa nito sa mga organisasyon tulad ng PDA at PARDTI.
Dahil dito, ang kampanya ang nagsisilbing testamento ng dedikasyon ng Polident na makagawa ng positibong pagbabago at siguruhing gawing accessible ang dental care para sa lahat.