22.8 milyong estudyante balik-eskwela na
MANILA, Philippines — Mahigit 22.8 milyong estudyante sa mga pampublikong paaralan sa ang balik-eskwela na ngayong araw.
Sa pinakahuling datos ng DepEd para sa SY 2023-2024, hanggang alas-9 ng umaga ng Agosto 27, 2023, nasa kabuuang 22,381,555 ang nagparehistro na mga mag-aaral para sa darating na taong panuruan.
Ayon sa DepEd, pinakamaraming estudyante ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,446,304.
Sinundan naman ito ng Region III (2,527,661); National Capital Region (2,468,170); Region VI (1,703,055); Region VII (1,686,587); Region V (1,430,571); Region XI (1,159,193); Region X (1,052,230); Region I (1,016,659); Region VIII (995,343); Region XII (961,388); Region II (815,530); Region IX (769,064); Region IV-B (692,576); BARMM (680,932); CARAGA (627,269) at Cordillera Administrative Region (347,482).
Samantala, sa mga Philippine Schools Overseas ay nasa 1,541 naman ang naitalang enrollees.
Ang enrollment period sa public schools ay sinimulan noong Agosto 7 at nagtapos na noong Sabado, Agosto 26.
- Latest