^

Bansa

1 pang bagyo papasok sa PAR

Angelie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
1 pang bagyo papasok sa PAR
Oras na pumasok ang bagong bagyo ay papangalanan itong Hanna na pang-walong bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Hindi pa man nakakalabas ng bagyo ang super typhoon Goring ay isa pang sama ng panahon ang nagbabantang pumasok sa bansa.

Oras na pumasok ang bagong bagyo ay papangalanan itong Hanna na pang-walong bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility.

Samantala, napanatili ni Goring ang kanyang lakas

na huling namataan alas-5 ng hapon kahapon sa layong 260 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 155 kph at pagbugso na umaabot sa 190 kph.

Makakaranas ng mga pag-uulan sa Batanes, Babuyan Islands, at northern portions ng mainland Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.

Palalakasin naman ni Goring ang habagat kayat makakaranas ng mga pag-ulan sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Inaasahang lalabas sa PAR si Goring sa Huwebes.

PAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with