Pangulong Marcos: Bigas, pinaka ‘kritikal na problema’ sa Pinas
MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang supply ng bigas ang siyang pinaka kritikal na problema ng bansa.
Ayon sa Pangulo, ang problema sa bigas ang pinaaasikaso ngayon ng pamahalaan sa tulong na rin ng kanilang kapartner sa pribadong sektor.
Si Marcos din ang kasalukuyang kalihim ng Department of Agriculture (DA) at naunang nangako na ibababa sa P20 kada kilo ng bigas.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Pangulo na patuloy nilang tinutugunan ang isyu sa bigas.
“And that’s something that we are attending to with all of the partners that we have, both in the government and in the private sector,” ayon pa sa Presidente.
Nabatid na kada linggo ay nagpapatawag ng sectoral meeting ang Pangulo sa Malakanyang at isa ang isyu sa bigas ang madalas na tinatalakay kasama ang mga opisyal ng DA at pribadong sektor.
Samantala, sinisi rin ni opposition Senator Risa Hontiveros ang umano’y walang kakayang liderato ng DA at National Food Authority (NFA) sa patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas.
Giit ni Hontiveros, hindi dapat isisi sa iba kundi ang pangunahing may kagagawan nito ay nasa DA mismo.
Kung mayroon man umano o walang nagtatago sa supply ng bigas at price manipulators nito ay hintayin na lang muna ang resulta ng ipinag utos na imbestigasyon ng pangulo tungkol dito.
- Latest