^

Bansa

Higit 345K kumuha ng Civil Service exam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Higit 345K kumuha ng Civil Service exam
The Civil Service Commission building.
The STAR / File photo

MANILA, Philippines — Umaabot sa 345,293 examinees ang kumuha ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) Professional at Subprofessional level na isinagawa ng Civil Service Commission (CSC) nitong nakalipas na Agosto 20.

Ito ang inihayag ni CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles kung saan mula sa 373,638 indibidwal na nagparehistro para sa pagsusulit, 92.41% ang nagpakita sa 95 testing center sa buong bansa na binubuo ng 304,247 examinees para sa CSE-Professional Level, at 41,046 examinees para sa Subprofessional Level.

“We are delighted to share that we have just reached another milestone for the CSC with the remarkable increase in participants taking the CSE-PPT in just one calendar year. In 2023 alone, the CSC successfully conducted the CSE-PPT for a total of 726,900 participants. This number includes both the 381,607 candidates who took the exam in March and our exam takers this August,” pahayag ni Nograles.

Ang National Capital Region ang may pinakamala­king turnout ng examinees na umabot sa 48,200, na sinundan ng Region IV at Region III na may 39,355 at 24,227 aspirants.

“Ito ay patunay na napakalaki ng demand sa pagkuha ng career service examination at ipinapakita nito na talagang marami sa ating mga kababayan ang nagnanais na makapasok sa government service,” dagdag pa ni Nograles.

 

CIVIL SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with