MANILA, Philippines — Kinilala bilang "Most Outstanding Public Servant" si Barangay Captain Marie Marie F. Marcelino o "wonder Kap" ng Barangay Ususan, Taguig City.
Ang Dangal ng Lahing Filipino Awards ay isang pagkilala ng mga natatanging Pilipino na may malaking kontribusyon para maiangat ang antas ng buhay ng kanyang kapwa at maitaguyod ang komunidad.
Ginanap ang parangal sa Heritage Hotel sa Lungsod ng Pasay nitong Agosto 20, 2023.
Ayon sa Dangal ng Lahi, si Kap. Marie ay kinikilala dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa pagpapayabong at pagpapanatili ng mayamang pamana at tradisyon ng Pilipinas.
Si Kap. Marie ay isa sa mga namamayagpag na local public servants sa Lungsod ng Taguig.
Una siyang naihalal na kapitan noong 2013 at muling sasabak para sa ikatlong termino ngayong darating na halalang pambarangay sa Oktubre.
Bilang kapitan, isa sa kaniyang flagship programs ang libreng serbisyong medikal kasama ang laboratory at check-up sa kanyang nasasakupan.
Kasama rin sa kanyang programa ang foodbank system ng barangay upang tugunan ang food security, kalinisan at disaster resilience sa barangay.