^

Bansa

PNP namahagi ng educational aid sa mga anak ng 23 pulis na napatay sa engkuwentro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP namahagi ng educational aid sa mga anak ng 23 pulis na napatay sa engkuwentro
Ayon kay PNP public information office chief Brig. Gen. Redrico A. Maranan, bahagi ito ng kanilang pa­ngako na prayoridad ng PNP ang kapakanan ng kanilang mga pulis at pamilya ng mga ito sa ilalim ng PNP-Bayaning Pulis Foundation Educational Assistance Program.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na tuluy-tuloy na makapag-aaral ang mga anak ng 23 pulis na napatay sa engkuwentro matapos silang magbigay ng educational assistance sa mga ito.

Ayon kay PNP public information office chief Brig. Gen. Redrico A. Maranan, bahagi ito ng kanilang pa­ngako na prayoridad ng PNP ang kapakanan ng kanilang mga pulis at pamilya ng mga ito sa ilalim ng PNP-Bayaning Pulis Foundation Educational Assistance Program.

Sakop ng nasabing programa ang bayad sa tuition fee at pambili ng mga school supplies.

Sinabi ni Maranan, hindi pababayaan ng PNP ang pamilya ng mga napatay na pulis at sa halip ay magsisilbi silang gabay na matupad ang mga pangarap ng mga ito.

Bilang ganti sa pagbubuwis ng buhay at serbisyo ng mga pulis, binigyan diin naman ni PNP Deputy Director for Administration LtGen. Rhodel Sermonia na sisi­guraduhin nilang matutupad ang pangarap ng mga anak ng pulis at maganda ang kinabukasan.

DEAD

GUN

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with