^

Bansa

AFP sa China: Resupply mission sa Ayungin Shoal ‘wag pakialaman  

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AFP sa China: Resupply mission sa Ayungin Shoal ‘wag pakialaman   
An aerial view taken on March 9, 2023 shows Philippine ship BRP Sierra Madre grounded on Ayunging Shoal (Second Thomas Shoal) in the South China Sea.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nanawagan nitong Sabado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa China Coast Guard (CCG) na umasal nang tama, irespeto ang karapatan sa soberenya at huwag nang pakialaman ang Rotational at Resupply (RORE) mission para sa trooa ng mga sundalo na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar, mandato ng AFP na protektahan ang tropa ng mga sundalo na nagbabantay sa teritoryong nasasaklaw ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) sa karagatan ng bansa.

“As we continue to pursue this humanita­rian undertaking and defend our rights over our maritime zones, we also affirm our support for the peaceful settlement of disputes,” pahayag ni Aguilar.

“We, therefore, call on all relevant parties to abide by their obligations under international law and respect the Philippines’ sovereignty, so­vereign rights, and jurisdiction over its maritime zones”, punto ng AFP Spokesman.

Ginawa ni Aguilar ang pahayag kaugnay ng marahas na aksiyon ng China matapos bombahin ng ‘water cannons’ ang bangka ng mga ­elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) na maghahatid lamang ng supply na pagkain, tubig at iba pa sa tropa ng mga sundalo na nagtatanod sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Bunga ng insidente, sinabi ni Aguilar na kalahati lamang sa resupply mission ang naipadala sa tropa ng mga sundalo.

Ang ikalawang resupply mission sa Ayungin ay nakatakda namang isagawa sa susunod na linggo.

Binigyang diin ng opisyal na nanatili ang pagsuporta ng AFP sa mapayapang pagsasaayos ng gusot sa pinag-aagawang teritor­yo sa WPS.

WPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with