‘Writ of Execution’ ‘di kailangan sa hurisdiksyon ng 10 barangays - Taguig
MANILA, Philippines — Hindi umano kailangan na magpalabas pa ng Writ of Execution para tuluyang mailipat sa Taguig City government ang 10 barangay sa Fort Bonifacio dahil sa ‘self-executory’ at pinal na ang desisyon ng Supreme Court.
“The dispositive portion of the Supreme Court’s final decision is clear and unambiguous,” pahayag ng Taguig-LGU.
Kasunod ito ng inilabas na “initial assessment” ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan.
Iginiit ng Taguig na walang ligal na pwersa ang inilabas na opinyon ng OCA at hindi rin ito maaring gamiting batayan para iantala ang paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig.
“Being a mere opinion, this statement does not have the force of law and does not bind Taguig. SC itself doesn’t issue opinions. How can OCA issue one? In fact, SC simply noted a similar query from DILG,” saad ng Taguig.
Dagdag pa nito, ang opinion na inilabas ng OCA ay hindi na sakop ng kapangyarihan nito dahil hindi na ito bahagi ng routine administrative matter na dapat nitong pangasiwaan sa mga trial court.
Bukod pa dito, permanente na rin umano ang preliminary injunction na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court na nagpapahinto sa Makati na magpatupad ng kanilang hurisdiksyon, ‘improvements’, at pagtrato sa mga barangay na parte pa ng kanilang teritoryo.
Sinabi ni Cayetano na ang dalawang disposisyon na ito ng Supreme Court at Pasig RTC ay ‘self-executing at hindi na nangangailangan ng ‘writ of execution’ para maipatupad ang mga ito.
“Taguig, by force of the Decision, is legally obliged to immediately exercise jurisdiction over its territory. There cannot be a vacuum in the exercise of jurisdiction on the 10 barangays,” sabi pa ng Taguig LGU.
Sa inilabas umano na pahayag ng Makati na opinyon ng OCA ng Supreme Court at naka-address sa Executive Judge ng RTC Makati, ukol sa pagpapalabas muna ng writ of execution, iginiit ng Taguig City na isa lamang itong opinyon at walang bisa sa batas.
Sa huli, nagbabala ang pamahalaang lungsod ng Taguig na magpapatupad ng legal na remedyo laban sa mga kampo na nais harangin, patagalin o suwayin ang implementasyon ng kautusan ng Supreme Court.
- Latest