Retired K-9 dogs pinaaampon na ng PNP-SAF

MANILA, Philippines — Pinagpapahinga na ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang tatlo nitong K-9 dogs na bihasa sa paghahanap ng mga pampasabog kasabay ng paghahanap ng  kanilang bagong furmommies o furdaddies.

Sa abiso ng PNP-SAF, naghahanap sila ng mag-a-adopt sa kanilang dalawang labrador retriever na sina Casper at Snow, edad 12 at 13 at German Shepherd na si Nik, 10 taong gulang.

Nabatid na ang mga asong bihasa sa paghahanap ng mga bomba ay mula sa 153 Special Action Company/Explosive Ordnance K-9 unit.

Ayon sa SAF, kailangan na ng bagong tahanan at mga magulang ng naturang mga aso para ma-enjoy ang kanilang mga nalalabing taon sa buhay.

Para sa mga interesadong mag-adopt ng aso, magtungo lamang sa SAF headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig o makipag-ugnayan sa numerong 0943-135-4015.

Show comments