^

Bansa

Grupo suportado isabatas 'National Memorial Day for Comfort Women'

Philstar.com
Grupo suportado isabatas 'National Memorial Day for Comfort Women'
Remedios Dayalino (seated) along with other former Filipina comfort women listen to speeches during a protest in front of the Japanese embassy in Manila on January 12, 2017, hours before a visit by Japanese prime Minister Shinzo Abe. Abe is making a two-day visit to the Philippines, the first leg in a trip to Southeast Asia and Australia as he looks to the region to boost Japan's economy dragged down by a greying and shrinking population.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Nagpahayag ang isang grupong pangkababaihan ng kanilang suporta sa isang panukalang batas na ipinapahayag ang pagdiriwang ng “National Memorial Day for Comfort Women” tuwing ika-14 ng Agosto bawat taon.

Para sa Amihan National Federation of Peasant Women, ang House Bill No. 8859 na nagdedeklara ng espesyal na araw para sa Filipina "comfort women" noong World War II ay makakatulong upang maalala ng susunod na henerasyon ang madilim na bahaging ito ng kasaysayan.

“As shown by what our grandparents experienced during World War II, women and children are more vulnerable to sexual and gender violence on top of the economic violence carried out in imperialist wars,” sabi ni Zenaida Soriano, chairperson ng Amihan, sa isang pahayag.

Bahagi ng panukala, na iminungkahi ng Makabayan Bloc, na itaas ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa comfort women sa iba’t ibang paraan. Ilan na nga rito ang pagmamandato sa Department of Education at Commission on Higher Education na maglunsad ng mga aktibidad ukol kaugnay ng pagkilala sa mga nabanggit.

Maaalalang ilang beses nang itinanggi ng mga nagdaang Japanese prime ministers na sapilitang pinahirapan ng kanilang mga sundalo bilang "sex slaves" ang mga Pilipina noong World War II. Ginawa rin ito ng Japan sa Korea, China, atbp. noong digmaan.

Para sa Amihan, kinikilala ng batas na ito ang pagkamatatag ng kababaihang Pilipino na nabuhay sa panahon na ito at patuloy na nabuhay sa kabila ng kanilang dinanas.

“More importantly, it emphasizes the importance of upholding human rights, opposing all forms of violence and exploitation, and protecting our country’s independence,” dagdag pa ni Soriano.

“Peasant women fully support, and enjoin all Filipino women and men to help strengthen and sustain, the comfort women’s pursuit of recognition, justice, and redress until these are attained.” 

Patuloy pa rin ang laban ng mga Pilipino na kilalanin ng Japan ang mga krimen na nagawa sa mga comfort women ng bansa, katulad na lamang ng ginawang panawagan sa Tokyo, Japan ng mga Pilipino doon noong ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan nitong taon. — intern Matthew Gabriel

COMFORT WOMEN

JAPAN

SEXUAL ABUSE

WORLD WAR II

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with