^

Bansa

Pantay na oportunidad, insentibo sa para-athletes, itinulak ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — "Nagpapasalamat po ako if ever maisabatas ito, makakatulong po talaga ito para sa mga para-atleta, lalo sa mga beterano na matagal nang nagbibigay ng karangalan sa ating bansa, at sa mga susunod na henerasyon," ang pahayag ni Angel Mae Otom, isang matagumpay na swimmer sa 12th ASEAN Para Games sa Cambodia.

Ginawa ni Otom ang pahayag bilang tugon sa pagkilala ni Senador Christopher "Bong" Go sa isang pampublikong pagdinig noong Agosto 14, na nagsabing kailangan nang i-upgrade ang mga insentibo para sa para-athletes upang lalong mapabuti ang kanilang mga kakayahan sa mga internasyonal na kompetisyon.

“Kami lang po ay nabigyan ng mga challenges na permanente ngunit hindi namin naisip na maging handlang ito na ipagmalaki ang bansa natin,” ani Otom ukol sa ipinakikitang katataga ng differently-abled athletes ng bansa. Binigyang-diin ni Go, chairperson ng Senate committee on sports, kung paano ipinagmamalaki ng bansa ang nagawa ng mga nasabing atleta.

“Sa paglipas ng mga taon, nasaksihan natin kung paano namumukod-tangi ang mga Pilipinong atleta sa iba’t ibang international sports competitions, tulad ng Southeast Asian Games, Asian Games, para games, world championships, at Olympics,” ayon sa senador. Si Go ang may-akda ng Senate Bill No. 2116, na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 10699 o ang "National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act" na dininig ng Senate committee on sports.

Binigyang-diin niya ang pangangailangang higit na kilalanin ang para-athletics sa mga internasyonal na kompetisyon. "Ang panukalang batas na ito ay layong bigyan ng pantay na oportunidad, pagkilala at insentibo ang lahat ng para-atleta," paliwanag ni Go. Iginiit ni Go na hindi dapat ipagkait sa mga may kapansanang atleta ang karangalan na nararapat sa kanila kaya hinimok niya ang kanyang mga kasama sa Senado na suportahan ang panukalang batas.

Idiniin din ng senador na ang mga pamumuhunan sa sports ay maaaring magtaas sa mga kabataan at maprotektahan sila mula sa mga nakapipinsalang bisyo. "Ang mga pinansiyal na insentibo na ito ay hindi lamang mga gantimpala kundi isang pagkilala sa pagsisikap, pangako, at pagpupursige ng ating mga para-atleta," sabi ni Go. Kaugnay nito, hinikayat ni Go ang mga para atleta na patuloy na maging mahusay sa kani-kanilang larangan at patuloy na buhayin ang diwa ng pagiging Pilipino.

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with