^

Bansa

P2 jeepney fare hike pag-aaralan ng LTFRB

James Relativo - Philstar.com
P2 jeepney fare hike pag-aaralan ng LTFRB
Commuters lined up as they wait for a jeepney ride along Philippine Coconut Authority (PHILCOA) in Quezon City on August 14, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na dagdag P2 sa pasahe ng jeep ng mga transport groups, ito sa gitna ng pagsirit ng presyo ng langis sa merkado.

Kaugnay ito ng sulat na pinadala ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Stop and Go Transport Coalition Incorporated (STOP&GO) at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa board.

Ngayong Martes lang nang magpatupad ng P1.90 pag-akyat sa singil sa gasolina ang mga kumpanya ng langis. Nasa P1.50 ang itinaas sa diesel habang P2.50 naman ito para sa kerosene.

Ito na ang ikaanim na sunod na linggong tinaasan ang singil sa diesel at kerosone at ikalimang sunod na linggong pagmamahal ng gasolina.

"There are many factors to consider when reviewing fare hike petitions or requests," wika ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III sa isang pahayag nitong Lunes.

"These factors should have to be carefully studied, reviewed and validated by the Board before we can allow any fare hikes. We understand the urgency of the situation and that is why the Board will convene to determine if the fare hike request has merit."

Inilalapit ng transport groups ang taas-pasahe matapos lang ibasura ng LTFRB ang hiwalay na P1 rush hour fare hike ng Pasang Masda, bagay na ipapatupad sana mula 5 a.m. hanggang 8 a.m. at 5 p.m. hanggang 8 p.m.

'Ibasura fuel taxes, oil deregulation'

Kamakailan lang nang iklaro ng Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na hindi sila kasama sa mga nagpepetisyon ng dagdag pasahe.

Mas maigi pa rin daw aniya na isuspindi ang E-VAT at excise tax sa produktong petrolyo, maliban sa pag-repeal ng Oil Deregulation Law kaysa magtaas uli  ng pasahe.

"Karapatan naman ng mga tsuper ang humiling ng malaking kita sa harap ng pagtaas ng presyo ng langis pero kahit gaano pa natin ito taasan, dadaplis lang ito sa bulsa nila at mapupunta lang sa tubo ng mga kumpanya ng langis kung walang ginagawa ang pamahalaan para pababain ang presyo ng petrolyo," ani Mody Floranda, presidente ng PISTON kahapon.

Taong 2022 lang kasi nang itaas ng gobyerno ng P1 ang minimum na pasahe para sa mga tradisyunal na jeep at minibuses ng piso dahil din sa sunod-sunod na oil price hikes noong panahong iyon.

Sa kabila ng fare adjustments, hindi naman daw umigi ang buhay ng mga tsuper at naghirap lang din ang mga komyuter kasabay ng mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Pagtataya ng PISTON, pinalobo lang nito ang kita ng mga kumpanya ng langis gaya na lang ng reported earning ng Petron na nasa P6.7 bilyon. Nakapagbukas pa aniya ng 28 panibagong gas stations ang Caltex noong 2022 habang umabot naman ng P4.1 bilyon ang kita ng Shell.

"Kapag walang ginagawa ang gobyerno para i-regulate at kontrolin ang pagkamkam ng tubo ng mga kapitalista, ang paghingi ng dagdag pasahe ay mauuwi lang sa wala at mas maraming Pilipino ang patuloy na magdurusa sa mataas na presyo ng mga bilihin," paliwanag ni Floranda.

vuukle comment

FARE HIKE

FEJODAP

JEEPNEY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LTFRB

LTOP

OIL PRICE HIKE

PISTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with