^

Bansa

‘Gag order’ vs AFP sa West Philippine Sea issue, hinirit kay Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Gag order’ vs AFP sa West Philippine Sea issue, hinirit kay Pangulong Marcos
Senator. Chiz Escudero
Chiz Escudero / Facebook page

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Sen. Chiz Escudero kay Pangulong Bongbong Marcos na magbaba ng kautusan o gag order na nagpapatigil sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsalita tungkol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Ang rekomendasyon ni Escudero ay ginawa kasunod ng pahayag ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. na plano nitong magpadeploy ng mas maraming barko at aircraft na magbabantay sa ating exclusive economic zone (EEZ), pag-tap sa mga reser­vists para mag-duty sa karagatang sakop ng bansa at ang target na kunin ang mga mangi­ngisda at sanayin ang mga ito na dumipensa.

Ayon sa Senador, panahon na para mag-isyu ng gag order dito ang Pangulo at ang dapat lamang na magsalita sa usapin sa WPS ay ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Paliwanag ng senador, kapag nakapanayam sa isyu sa West Philippine Sea ang sinumang heneral ay maituturing na itong ‘act of war’.

Mainam aniya na hindi dapat hinahayaan na magsalita tungkol sa isyu ang isang uniformed personnel upang maiwasan ang anumang misinterpretation, hindi pagkakaunawaan at pag­lala ng sitwasyon sa pinag-aagawang teritor­yo sa pagitan ng Pilipinas at China.

AFP

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with