^

Bansa

Kakainin ng mga Pinoy ‘wag iasa sa ibang bansa – agriculture solon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Hindi umano dapat iasa ng gobyerno sa ibang bansa ang kakainin ng mga Pilipino, ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee kasunod ng kahandaan ng Vietnam na magbenta sa Pilipinas ng bigas.

Sinabi ni Lee na, dapat na gumawa ng solusyon  ang pamahalaan upang paramihin ang produksyon ng pagkain sa bansa upang hindi na kailangang mag-import.

Nabatid na sa Vietnam nanggagaling ang 90% ng imported na bigas ng Pilipinas.

Ang India naman, na pangunahing pinanggagalingan ng imported na bigas sa mundo, ay magpapatupad ng rice import ban dahil sa inaasahang pagbaba ng kanilang produksyon dulot ng hindi magandang panahon.

Nauna ng nagbabala ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) ng pagtaas ng ­presyo ng bigas ng hanggang P4 kada kilo hanggang sa Setyembre, kung kailan inaasahang magsisimula ang anihan.

Ang pagtaas umano sa presyo ay bunsod ng pagmahal ng bigas sa ibang bansa.

AGRI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with