Pagsuspinde sa reclamation projects sa Manila Bay, suportado
MANILA, Philippines — Suportado ni dating Environment Secretary at dating Manila Mayor Lito Atienza ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isuspinde ang lahat ng reclamation project sa Manila Bay.
Ayon kay Atienza, tanging si Marcos lang talaga ang pag-asa para makita ang kamalian sa pag-apruba sa 22 reclamation projects sa naturang lugar.
Suportado rin ng dating kalihim ng DENR ang imbestigasyon kung paano nagsimula ang nasabing proyekto at ano ang naging sukatan nito para payagan.
“Binobola nila ang mga tao by saying that para sa inyo ito. Para kanino? Walang kikita diyan kundi ang mga private owners. Enough is enough! BBM should continue protecting the welfare of the people and not just a few” giit pa ni Atienza.
Igiit pa ni Atienza na ang reclamation sa Manila Bay ay hindi man lang dumaan sa lokal na pamahalaan ng Maynila, at prinotektahan nila ang nasabing lugar simula pa noong 1997 kung saan siya pa ang vice-mayor at nagpasa sila ng ordinance no. 7777 na nagbabawal sa lahat ng uri ng reclamation sa Manila Bay.
Tama rin umano si Marcos na nawala na ang tubig sa Manila at kung hindi pinatigil ng pangulo ang 22 projects malamang ay mawala ng tuluyan ang Bay na siyang itinuturing na biggest jewel ng Maynila at napakinabangan ng maraming henerasyon at mapapakinabangan pa ng susunod na henerasyon.
- Latest