MANILA, Philippines — Isinailalim na rin ang Baguio City sa state of calamity matapos aprubahan ang isang resolusyon na tinukoy na dahilan ay ang inabot nilang matinding pinsala sa nagdaang bagyong Egay.
“The extensive damages caused by the typhoon have significantly affected essential lifeline infrastructures, residential areas, and have tragically resulted in landslides and erosions leading to the loss of lives and properties,” ayon sa resolusyon.
Sa inisyal na damage assessment report mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang Baguio City ay nagtala ng P18,403,943.44 halaga ng pinsala nitong Hulyo 31 dulot ng bagyo.
Iniulat din ng CDRRMO ang mga insidente tulad ng 163 nagbagsakang puno; 34 electrical concerns; 17 pagbaha, 14 pagkasira ng lupa; limang stranded individuals at sasakyan, 25 landslides; dalawang clogged drainage at insidente ng medical trauma assistance.
Pinapayagan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council alinsunod sa kanilang Memorandum Order ang deklarasyon ng state of calamity kung may 15 porsyento ng populasyon sa isang lungsod, munisipalidad, lalawigan o rehiyon ang naapektuhan ng kalamidad at nangangailangan ng agarang tulong.