^

Bansa

Government job portal, alok ng CSC sa mga naghahanap ng trabaho

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Government job portal, alok ng CSC sa mga naghahanap ng trabaho
Job seekers attend the mega job fair organized by the Public Employment Service Office at the Universidad de Manila covered court in Ermita, Manila on May 31, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinabatid ng Civil Service Commission (CSC) sa publiko partikular na sa mga nagnanais na mapabilang sa “civil service” na maaari na ngayong malaman ang mga trabaho ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbisita sa CSC Job Portal na www.csc.gov.ph/career.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, ang CSC Job Portal ay magbibigay sa mga interesado at kuwalipikadong mamamayang Pilipino ng mga mahahalagang detalye tungkol sa mga bakanteng trabaho na i­naalok ng mga ahensya ng national government, local government units, at state universities and colleges.

“Taun-taon, libo-libong aplikante ang natatanggap sa pampublikong sektor dahil sa mga job vacancies na naka-post sa CSC Job Portal. Ngayong taon, inaanyayahan naming muli ang mga bagong graduate sa kolehiyo at first time jobseekers, pati na rin ang mga nakapasa sa nakalipas na Career Service E­xams, at ang mga gustong lumipat ng trabaho na bisitahin ang portal,” ayon kay Nograles.

Pinaalalahanan naman ni Nograles ang mga aplikante na direktang isumite ang lahat ng aplikasyon at katanungan hinggil sa bakante sa kinauukulang ahensya.

Pinayuhan din niya ang mga naghahanap ng trabaho na maging maingat sa mga pamantayan ng kwalipikasyon at mga kakayahan na kinakailangan para sa bawat posisyon, dahil hindi lamang ang pagi­ging “eligible” ang pagiging kwalipikado para sa permanenteng appointment.

CSC

JOB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with