Singil sa kuryente may bawas ngayong Agosto
MANILA, Philippines — M?ayroong 29 sentimong bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong August billing.
Sa inilabas na advisory kahapon, babawasan ng Meralco ang singil nila ng P0.2908 per kilowatt-hour (kWh) ngayong buwan.
Dahil sa naturang tapyas, ang overall rate para sa typical household ay magiging P10.8991 per kWh na lang mula sa P11.1899 per kWh noong Hulyo.
Nangangahulugan ito ng P58 bawas sa bayarin ng mga residential customers na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Nasa P87 naman ang bawas sa mga nakakagamit ng 300 kWh, P116 tipid sa mga kumukonsumo ng 400 kWh at P145 sa 500 kWh kada buwan.
Sinabi ng Meralco na ang pagbaba ng singil ay dulot nang pagbaba rin ng generation at transmission charges.
- Latest