Pambobomba, pagharang ng CCG sa PCG, kinondena ng AFP
MANILA, Philippines — Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pagharang ng China Coast Guard sa kanilang chartered supply boat.
Sa pahayag ng AFP, bukod sa iligal na water cannon naging marahas ang hakbang ng China Coast Guard sa kanilang chartered supply boat.
Ayon sa AFP, hindi rin nirespeto ng CCG ang batas at karapatan sa paglalayag.
Hindi rin maaring palagpasin ang karahasan ito kaya kailangan na gumawa ng ilang hakbangin ang pamahalaan.
Dahil dito, hindi na nakarating pa ang ikalawang bangka ng AFP na maghahatid ng mga suplay bilang bahagi ng rotation and resupply (RoRe) mission.
Umaasa ang AFP na papanagutin ng CCG at ng Central Military Commission ang mga responsable sa insidente.
- Latest