Bill sa kuryente ng pinakamahirap na Pinoy, sasagutin ng gobyerno
MANILA, Philippines — Sasagutin na ng gobyerno ang bayarin sa kuryente ng mga pinakamahihirap na Filipino.
Ito ay matapos ianunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang paglulunsad ng “Lifeline Rate” program ng gobyerno na tutulong sa mga kwalipikadong low income electricity customers na hindi makabayad sa bill ng kanilang kuryente.
Kabilang sa sambahayanan na maaaring mag-apply para sa Lifeline Rate program ay ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o mga customers na ikinokonsidera na namumuhay sa below poverty threshold na itinakda ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Tanging ang Distribution Utility (DU)/ Electric Cooperative (EC) service kada kwalipikadong household ang maaaring mabigyan ng lifeline rate.
Sakali namang mahigit sa isang benepisyaryo mula sa iisang sambahayan ang mag-apply ng lifeline rate gamit ang katulad na service account, ay isang aplikasyon lang ang papayagan.
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng pagsusumite sa DU at EC ng kanilang accomplished Lifeline Rate Application Form, bagong electricity bill, valid government ID na may address ng customer.
Kapag naman ang customer ay mas mababa sa PSA poverty threshold, maaari silang magsumite ng Social Welfare and Development Office (DSWD0) certification na inisyu sa loob ng anim na buwan.
Nakadepende naman ang power reduction rate sa umiiral na rate ng DUs at ECs.
- Latest