^

Bansa

Green energy agreement nilagdaan ng LGU, ERC at MORE Power

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang tripartite agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Energy Regulatory Commission(ERC), Iloilo City Government at More Electric and Power Corporation (MORE Power) na nagsusulong ng paggamit ng renewable energy resources na magbibigay daan sa pagbaba pa ng presyo ng kuryente. Sa ilalim ng kasunduan ay mag-eestablisa ang MORE Power ng one-stop shop na nag-­aalok ng renewable energy technologies gaya ng Net Metering at Distributed Energy Resources (DER) na maaaring pagpilian ng mga consumers.

Ayon kay MORE Po­wer President at CEO Roel Castro ang kasunduan sa pagitan ng ERC at Iloilo City ay bilang pagsuporta sa target ng pamahalaan na mabawasan ang greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng paggamit na ng renewable energy resources. ”One of the obligations under the agreement is to have a one-stop shop where applicants and interested parties can come.

Our collaboration with the city government has been active for the past three years, and we warmly welcome the involvement of ERC. Being the first in the Visayas to enter into this agreement showcases our strong support for the government,” pahayag ni Castro. Sinabi naman ni ERC Chairperson at CEO Atty.

Monalisa Dimalanta na sa ilalim ng kasunduan ang ERC ang magbibigay ng technical at regulatory expertise, kabilang dito pag-streamline ng documentary submission, installation, payment at permitting processes ng Net-Metering at DER. Palalakasin din ng ERC ang information drive para mas lalong tangkilikin ng mga electric consu­mers sa Iloilo City ang renewable energy. Nabatid na ang Iloilo City ang ikalawa lamang sa mga pilot Local Go­vernment Unit partner ng ERC para sa Net-Metering at sa kanilang greater renewable energy program. Sa panig ng LGU, hi­nimok ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga residente, partikular ang mga small businesses na lumipat na sa paggamit ng renewable energy para sa tiyak na pagbaba ng kanilang energy consumption.

MORE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with