^

Bansa

Pinoy na nagugutom pumalo sa 10.4% – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinoy na nagugutom pumalo sa 10.4% – SWS
Ayon sa June 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), nasa 10.4% na mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.
The STAR / KJ Rosales, File photo

MANILA, Philippines — Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga pamil­yang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon sa June 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), nasa 10.4% na mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

Mas mataas ito sa 9.8% hunger rate noong Marso ngunit mas mababa pa rin kumpara sa 11.8% noong Disyembre ng 2022 at 11.3% o 2.9 milyong pamilyang nagugutom na naitala noong Oktubre 2022.

Pinakamaraming nakaranas ng gutom ay mula sa mga pamilya sa Metro Manila na nasa 15.7%

Gayunman, bumaba naman ang hunger rate sa Mindanao sa 6.3% mula sa 11.7% noong Marso.

Isinagawa ang survey mula June 28-July 1 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 indibidwal na may edad 18 pataas. — Mer Layson

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with