^

Bansa

Pagbaha sa Metro Manila, probinsiya lumalala

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbaha sa Metro Manila, probinsiya lumalala
Motorists and residents brave the flood brought by #EgayPH along H. Del Pilar Street in Arkong Bato, Malabon City on July 26, 2023.
STAR / Michael Varcas

Gobyerno kinalampag

MANILA, Philippines — Kinalampag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Ehekutibo na gumawa na ng master plan para maresolba ang nararanasang pagbaha sa Metro Manila at ilan pang lalawigan kasunod ng pananalasa ng bagyong Egay.

Paliwanag ni Villanueva, ilang dekada na ang dumaan at sa kabila ng mga pinopondohang proyekto laban sa pagbaha ay lalo pang lumalala ang problema ng bansa sa mabilis na pagtaas ng tubig tuwing umuulan.

Tinukoy ni Villanueva ang inilaang P183 billion na pondo para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways bukod pa sa mga alokasyon para sa Department of Environment and Natural Resouces (DENR) at iba pang ahensya.

Binigyang-diin ni Villanueva na kailangan na ngayon ng integrated flood management program kung saan pag-uugnayin ang mga proyekto kontra pagbaha sa mga lalawigan at gawing malinaw ang proseso ng pagpapakawala ng tubig sa mga dam.

Bukod dito, kailangan na rin umano ng Departament of Water na magsasaayos hindi lang sa suplay ng tubig sa bansa kundi sa pangangasiwa na rin ng mga dam.

Kinatigan naman ito ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na nagsabing ang mga pagbaha ay hindi lamang dulot ng ulan kundi bunsod na rin ng problema sa daraanan ng tubig na pakakawalan mula sa mga dam.

Nangako naman si Senate Committee on Public Works Chairman Ramon Bong Revilla Jr. na agad nang itatakda sa susunod na linggo ang pagbusisi sa mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa pagbaha.

FLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with