^

Bansa

Reso vs pambu-bully ng China, aprub na ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Reso vs pambu-bully ng China, aprub na ng Senado
More than 50 Chinese vessels swarm the vicinity of Iroquois Reef and Sabina Shoal in the West Philippine Sea, July 7.
AFP Wescom

MANILA, Philippines — Inadopt na ng Senado ang resolusyon na kumokondena sa China laban sa patuloy na pangha-harass ng mga Chinese Coast Guard at militia vessels sa mga mangingisdang Pilipino at panghihimasok sa ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sa sesyon sa plenaryo ay mabilis na inaprubahan ng mga senador ang Senate Resolution 718 na unang isinulong nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Sen. Risa Hontiveros.

Wala na ring nag-interpellate sa resolusyon dahilan kaya agad na inadopt ito sa plenaryo.

Bukod sa pagpapahayag ng pagkondena ng Senado sa patuloy na pambu-bully ng China sa Pilipinas, nakasaad din sa resolusyon ang paghimok sa gobyerno ng Pilipinas na ilaban ang karapatan sa soberenya ng bansa sa ating exclusive economic zone at continental shelf.

Nananawagan din ang mga senador sa China na itigil na ang kanilang mga iligal na aktibidad sa ating teritoryo salig na rin sa na­ging desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 pabor sa Pilipinas at nagbabasura sa nine-dash line ng China.

Nakapaloob din sa re­solusyon ang paghikayat ng Senado sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpasa ng resolusyon sa UN General Assembly (UNGA) para sitahin ang China at upang matigil na ang pangha-harass at panghihimasok nito sa ating bansa.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with