^

Bansa

Bagyong Falcon lalakas ngayong Linggo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagyong Falcon lalakas ngayong Linggo
Residents of Calumpit, Bulacan ride boats as the flood in their area reached waist to chest-deep level on July 29, 2023.
Photos by Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inaasahang lalakas ang bagyong Falcon ngayong linggo.

Si Falcon ay huling namataan sa layong 1,315 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 80 km bawat oras.

Sa susunod na tatlong araw, magkakaroon ng ma­lakas na pag-ulan sa western portion ng Luzon at Visayas dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon.

Mas malakas ang ulan sa mga matataas at bulubunduking lugar na may banta ng pagbaha at landslide.

Dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyo, umiiral ang Gale Warning sa baybayin ng western seaboard ng Luzon, eastern at southern seaboards ng Southern Luzon, at eastern at western seaboards ng Visayas.

Pinapayuhan ang maliliit na bangka na mapanganib ang pumalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan.

Inaaaahang lalabas ng Philippine area of responsibility si Falcon sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga.

FALCON

LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with