Patay kay ‘Egay’, 13 na; Pinsala sa agrikultura, P512.9 milyon

Men carry the coffins of the victims of the capsized wooden boat at Binangonan Port, Rizal province early on July 28, 2023. A small boat capsized in a lake near the Philippine capital on July 27, 2023, killing at least 23 people on board and leaving six others missing, rescuers said.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 13 katao ang iniwang patay sa pananalasa ng Bagyong Egay.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, anim dito ang kumpirmadong nasawi habang pito ang bineberipika pa.

Sa anim na confirmed deaths, lima ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at isa sa Region 6. Nasa 12 naman ang naiulat na sugatan at 20 nawawala.

Umabot naman sa 140,923 pamilya o katumbas ng 502,782 na katao ang apektado mula sa 1,612 na barangay sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 12, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM at CAR.

Sa nasabing bilang nasa, halos 30,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 479 na mga evacuation center.

Samantala, umakyat na sa P512.9 milyon ang halaga ng pinsala ni “Egay” sa agrikultura. Mas mataas ito sa P53 milyon na iniulat ng Department of Agriculture nitong Huwebes.

Sinabi ng DA na aabot sa 3,679 ang bilang ng mga apektadong magsasaka sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA at Caraga mula sa 2,303.

Tinatayang nasa 2,035.4 metriko tonelada naman ang volume of production loss sakop ang 4,315 ektarya ng sakahan at taniman.

Pinakamalaking pinsala ang naitala sa mga taniman ng mais sa P32.6 milyon, P28.2 milyon sa palayan at livestock at poultry sa P1.2 milyon.

Show comments