Bagyo papasok sa PAR ngayong Sabado
MANILA, Philippines — Ganap nang bagyo ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility na tinawag na tropical storm Khanun.
Si Khanun ay nagbabantang pumasok sa PAR ngayong Sabado at tatawaging bagyong Falcon.
Si Khanun ay namataan ng PAGASA sa layong 1,345 kilometro silangan ng Eastern Visayas taglay ang lakas ng hanging 65 kph at pagbugso na umaabot sa 80 kph.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid upang makaiwas sa anumang banta ng bagyo oras na pumasok ito sa bansa.
- Latest