MANILA, Philippines — Upang mapabilis ang pag-access sa civil service eligibility information, naglunsad na ang Civil Service Commission (CSC) ng online eligibility verification system para sa mga Human Resource Management Officer (HRMOs) ng mga ahensiya ng gobyerno at maging sa publiko.
Ang Civil Service Eligibility Verification System (CSEVS), ay isang online search platform na nagbibigay-daan sa pag-access sa database ng mga indibidwal na nakapasa sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT), Computerized Examination, at Computer Assisted Test.
“Instead of requiring the submission of an authenticated proof of eligibility from applicants, agency HRMOs may now use the CSEVS to check the eligibility of individuals. This integrated system aims to cut the cost and time spent on the eligibility verification and authentication procedures on the part of the eligible, the HRMOs, and CSC verifiers,” paliwanag ni CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles.
Sinabi ni Chairperson Nograles na sa ilalim ng CSEVS, pinapayagan ang mga ahensya ng gobyerno na magsumite ng iba’t ibang anyo ng Certificate of Eligibility (COE) gamit ang CSEVS para sa mga regular na appointment.
Ang mga eligible individuals na nag-a-apply para sa isang post sa gobyerno ay maaari ring gumamit ng CSEVS upang i-access at i-screenshot ang kanilang impormasyon sa pagiging eligible.
Kung ang rekord ng civil service eligibility ay hindi makita sa CSEVS at walang ibang patunay ng pagiging eligible, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na CSC Regional Office.