^

Bansa

Signal No. 2 nakataas sa 7 lugar habang papalabas bagyong 'Egay' ng PAR

James Relativo - Philstar.com
Signal No. 2 nakataas sa 7 lugar habang papalabas bagyong 'Egay' ng PAR
Huling namataan ng state weather bureau ang typhoon 195 kilometro kanluran ng Basco, Batanes ngayong Huwebes.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Patuloy na humihina ang Typhoon Egay sa kalugaran ng Luzon Strait sa kanluran ng Batanes habang naghahanda itong makalabas ng Philippine area of responsibility ngayong araw, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ng state weather bureau ang typhoon 195 kilometro kanluran ng Basco, Batanes ngayong Huwebes.

  • Lakas ng hangin: hanggang 150 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: 185 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilagangkanluran
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras

"EGAY is forecast to track northwestward or north northwestward over the Luzon Strait, the sea southwest of Taiwan, and the Taiwan Strait throughout the forecast period while gradually accelerating," wika ng PAGASA kanina.

"The typhoon may exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) this morning or afternoon. It is also forecast to make landfall in the vicinity of Fujian, China tomorrow morning."

Nakikitang maiipon ang 50-100 millimeter na dami ng pag-ulan mula ngayong araw hanggang bukas ng hapon sa mga sumusunod na lugar kaugnay ng bagyo: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at kanlurang bahagi ng Abra at Benguet.

Samantala, nakataas pa rin sa ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang bahagi ng bansa.

Signal No. 2

  • Batanes
  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Ilocos Norte
  • hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur (Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan)

Posible ang "minor to moderate" na banta sa buhay at ari-arian sa mga naturang lugar buhat ng gale-force winds sa susunod na 24 oras.

Signal No. 1

  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Benguet
  • nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • hilagang bahagi ng Zambales (Botolan, Iba, Candelaria, Cabangan, Palauig, Santa Cruz, Masinloc)

"Minimal to minor threat" naman ang posibleng asahan sa mga sumusunod na lygar sa loob ng 36 oras buhat ng malalakas na hangin.

Hanging Habagat patuloy na magpapaulan

Nakikitang magdadala pa rin ng minsanang monsoon rains ang Hanging Habagat na pinalakas ng bagyong "Egay" sa Central Luzon at SOuthern Luzon sa susunod na tatlong araw.

Posible ring magdala ang Habagat ng mahanging panahon sa Luzon at Western Visayas ngayong araw kahit na hindi ito nasa ilalim ng anumang Wind Signals, partikular na sa mga baybaying dagat at mabubundok na lugar.

"There is a moderate to high risk of storm surge which may cause flooding in the low-lying and exposed coastal areas of Batanes, the northwestern portion of Cagayan including Babuyan Islands, Ilocos Norte, and extreme northern portion of Ilocos Sur," dagdag pa ng PAGASA.

"Maximum surge heights may reach 3.0 m some of the warning areas."

Nakikitang hihina ang bagyo bago ang posibleng landfall nito sa Tsina.

EGAY

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with