MANILA, Philippines — Isinailalim na sa "state of calamity" ang probinsya ng Ilocos Norte buhat ng hagupit ng Typhoon Egay, bagay na dahilan ng Signal no. 4 sa ilang bahagi ng bansa.
Sa ilalim ng state of calamity, agad na nagpapatupad ng "price ceiling" sa mga basic necessities at prime commodities, pag-grant ng no-interest loans, atbp. alinsunod sa Republic Act No. 10121.
"The Province of Ilocos Norte has been declared under a 'State of Calamity' following the devastating impact of Super Typhoon 'Egay,'" wika ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte, Miyerkules.
"The typhoon brought heavy rain, strong winds, and severe floods that caused massive damages to properties, agricultural crops, and disruption of means of livelihood in different areas of the Province."
Bandang 2 p.m. ngayong hapon nang maiulat na binabayo pa rin ng typhoon ang ilang munisipalidad sa naturang probinsya gaya ng Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Vintar, Adams, Pasuquin, at Bacarra habang nasa ilalim ng Signal no. 4.
Binubuno naman ng nalalabing bahagi ng probinsya ang Signal no. 3.
"Efforts to assess the full extent of the damage and provide necessary aid and relief to affected communities are underway," dagdag ng Ilocos Norte provincial government.
"The Provincial Government of Ilocos Norte and national government agencies are working tirelessly to restore essential services, address immediate needs, and provide support to those affected by the disaster."
Standby funds, rescue teams nakahanda
Nakapaghanda na sa ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng nasa P173 milyong stand-by fund para sa mga apektado ng bagyo, ito habang tinitiyak ang kaligtasan ng libu-libong nasalanta.
"Tuloy-tuloy ang ating pagkilos upang maaksyunan ang maaring pinsalang dulot ng Super Typhoon #EgayPH," ani Bongbong sa kanyang Twitter ilang oras bago mag-landfall ang bagyo.
Samantala, tiniyak din ng presidente na nakahanda na ang mga kawani ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guards para sumaklolo.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa coastal waters ng Cayan (Dalupiri Island), Cagayan kaninang hapon.
Una nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na isa na ang patay at dalawa ang nawawala kaugnay ng bagyo. Maliban pa ito sa 11,041 lumikas sa sari-saring probinsya.