1 patay habang lagpas 11,000 lumikas dahil sa Typhoon Egay — NDRRMC

Police and firemen cut an uprooted tree blocking a road in Santa Ana, in Cagayan province on July 26, 2023, hours after Typhoon Doksuri hit the town. A powerful storm hit the northern Philippines on July 26, toppling trees, knocking out power and dumping heavy rain as thousands sheltered with neighbours or in emergency evacuation centres
AFP/AFP stringer

MANILA, Philippines — Meron nang nasawi habang dalawa ang sugatan bunga ng Typhoon Egay at habagat sa Pilipinas, bagay na nagpalikas na sa libu-libo ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Miyerkules.

Sa huling ulat ng NDRRMC, umabot na sa 180,439 katao ang naapektuhan ng bagyo kabilang na ang:

  • patay: 1
  • sugatan: 2
  • lumikas: 11,041
  • nasa loob ng evacuation centers: 8,917
  • nasa labas ng evacuation centers: 2,124

Sinasabing nagmula sa CALABARZON ang isa sa mga namatay habang isa naman din sa parehong rehiyon at sa Western Visayas ang injured. Ang pareho ay patuloy na bineberipika ng NDRRMC.

Ang mga apektadong populasyon sa ngayon ay sinasabing nagmula sa sumusunod na rehiyon:

  • Rehiyon ng Ilocos
  • Central Luzon
  • CALABARZON
  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Western Visayas
  • Northern Mindanao
  • SOCCSKSARGEN

Nagdeklara na rin ng ilang suspensyon ng klase at trabaho buhat ng bagyo at pinalakas nitong Hanging Habagat, ito habang naantala naman ang ilang biyahe sa mga paliparan.

Pinsala nagsisimulang maitala

Umabot na sa P1.5 milyong halaga ng pinsala sa imprastruktura sa ngayon kaugnay ng bagyo, bagay na naitala sa MIMAROPA, Region 6 at Region 12.

Nasa 49 kabahayan naman na ang bahagyang na-damage ng bagyo habang walo naman ang wasak na wasak. Naghahalaga ang napinsalang mga tirahan sa P195,000 sa ngayon.

Wala pa namang datos pagdating sa halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Ilang insidente na rin ng pagbagsak ng puno (4), pagbaha (58), soil erosion (5), pagguho ng lupa (15at tornado (4) ang nai-report sa ngayon ng NDRRMC.

Bandang 2 p.m. nang sabihin ng PAGASA na namataan ang sentro ng bagyo sa Dalupiri Islands sa Calayan, Cagayan.

Ito'y habang nananatili sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 4 ang ilang bahagi ng Cagayan, hilagang bahagi ng Apayao at hilagang bahagi ng Ilocos Norte.

Show comments