‘Egay’ super typhoon na, signal no. 5 itinaas ng PAGASA
MANILA, Philippines — Napanatili ng super typhoon Egay ang kanyang lakas habang patuloy na nagbabanta sa hilagang kanluran.
Sa latest monitoring ng PAGASA, alas-2 ng hapon kahapon, ang sentro ni Egay ay namataan 230 kilometro silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 240 km silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at pagbugso na aabot sa 230 kph.
Dulot nito, nakataas ang public storm Signal No. 5 sa eastern portion ng Babuyan Islands at Signal No. 4 sa northeastern portion ng mainland Cagayan at nalalabing bahagi ng Babuyan Islands.
Signal no. 3 sa northeastern portion ng Isabela, nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, eastern portion ng Ilocos Norte, northeastern portion ng Kalinga at Batanes.
Signal no. 2 sa nalalabing bahagi ng Isabela, northern at central portions ng Aurora, Quirino, nalalabing bahagi ng Kalinga, northeastern portion ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet at northern portion ng La Union.
Signal no. 1 sa Quezon kabilang ang Pollilo Islands, nalalabing lugar ng Aurora, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Marinduque, Cavite, Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Catanduanes.
Si Egay ay inaasahang magla-landfall o daraan malapit sa Babuyan Islands-northeastern mainland Cagayan area gabi ng Martes o umaga ng Miyerkules, Hulyo 26.
Paiigtingin ng habagat si Egay kayat patuloy na maulan sa may western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na 3 araw.
Inaasahang hihina si Egay oras na makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes, Hulyo 27.
- Latest