^

Bansa

PAGASA inilagay sa Signal no. 5 ang Camiguin Island dahil sa Super Typhoon 'Egay'

James Relativo - Philstar.com
PAGASA inilagay sa Signal no. 5 ang Camiguin Island dahil sa Super Typhoon 'Egay'
Makikitang inililikas ang ilang residente sa bayan ng Sta. Ana sa tulong ng Philippine Marines at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council buhat ng bagyong "Egay."
Released/Cagayan Provincial Information Office

MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong "Egay" ang lakas nito habang nagbabadya nitong bayuhin ang Hilagang Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Martes.

Namataan ng state weather bureau ang sentro ng Super Typhoon Egay 190 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan kaninang 4 p.m.

  • Lakas ng hangin: 185 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 230 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilagangkanluran
  • Pagkilos: 20 kilometro kada oras

"Egay is forecast to move west northwestward in the next 24 hours before turning generally northwestward and cross the Luzon Strait," sabi ng PAGASA.

"On the track forecast, it is forecast to make landfall or pass very close to Babuyan Islands-northeastern mainland Cagayan area between late evening today and tomorrow morning."

Maaari namang magresulta sa pag-landfall o paglapit sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan o Batanes ang bahagyang paglihis nito sa track pahilaga o 'di kaya'y patimog. Sinasabing malapit nang maabot ng bagyo ang "peak intensity" nito.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals sa iba't ibang panig ng bansa buhat ng bagyo.

Signal No. 5

  • silangang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Island)

Nagbabadya ang typhoon-force winds sa naturang lugar, dahilan para magkaroon ng "extreme threat" sa buhay at ari-arian doon.

Signal No. 4

  • hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes)
  • nalalabing bahagi ng Babuyan Islands

"Significant to severe threat to life and property" naman ang posibleng maging epekto ng typhoon-force winds sa mga nasabing lugar

Signal No. 3

  • hilagangsilangang bagagi ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini)
  • nalalabing bahagi ng Cagayan
  • Apayao
  • Ilocos Norte
  • hilagang bahagi ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan)
  • Batanes
  • hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas)

Katamtaman hanggang "significant" naman ang sinasabing potential impact ng storm-force winds sa buhay at ari-arian sa mga naturang lugar.

Signal No. 2

  • nalalabing bahagi ng Isabela
  • hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
  • Quirino
  • nalalabing bahagi ng Kalinga
  • hilagangsilangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
  • Ilocos Sur
  • nalalabing bahagi ng Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan, Atok)
  • hilagang bahagi ng La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol)

Makatitikim naman ng "minor to moderate threat to life and property" ang mga nabanggit na lugar buhat naman ng gale-force winds.

Signal No. 1

  • Quezon kasama ang Polillo Islands
  • nalalabing bahagi ng Aurora
  • nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
  • nalalabing bahagi ng Benguet
  • nalalabing bahagi ng La Union
  • Nueva Ecija
  • Pangasinan
  • Tarlac
  • Zambales
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Bataan
  • Cavite
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Laguna
  • Batangas
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Marinduque

Pinaghahanda naman sa "minimal to minor threat" sa buhay at ari-arian ang mga sumusunod na lugar dahil sa malalakas na hangin.

Pag-ulan dahil sa hanging habagat

"The southwest monsoon enhanced by Egay will continue to bring occasional to monsoon rains over the western portions of central Luzon, southern Luzon, and Visayas in the next three days," dagdag pa ng PAGASA.

Patuloy namang magdadala ang bagyo at ang habagat ng malalakas na hangin sa mga sumusunod na lugar na hindi nasa ilalim ng wind signal lalo na yaong mga nasa baybayin at mabubundok na lugar:

  • Luzon
  • Visayas
  • Zamboanga Peninsula
  • Basilan
  • Sulu
  • Tawi-Tawi
  • hilagang bahagi ng Northern Mindanao
  • Caraga

Tinataya namang makararanas ng mga sumusunod na dami ng pag-ulan mula ngayon hanggang bukas ng hapon:

  • lagpas 200 millimeter: hilagang bahagi ng mainland Cagayan kasama ang  Babuyan Islands, Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, at Abra
  • 100-200 mm: Benguet, hilagang bahagi ng La Union at kanlurang bahagi ng Kalinga
  • 50-100 mm: Isabela, hilagang bahagi ng Zambales, nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region

Dagdag pa ng PAGASA, posibleng makalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo pagsapit ng Huwebes ng umaga.

BABUYAN ISLANDS

CAMIGUIN ISLAND

EGAY

PAGASA

SUPER TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with