^

Bansa

Pagpapababa ng presyo ng pagkain sunod na tutukan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagpapababa ng presyo ng pagkain sunod na tutukan
Individuals purchase fruits and vegetables at a stall along Marcos Highway on July 19, 2023.
STAR/Andy Zapata Jr.

Zubiri umapela kay Marcos

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Pangulong Bongbong Marcos na sunod na tutukan sa ikalawang taon nito ang mababang presyo ng pagkain sa bansa.

Ayon kay Zubiri, bilang ang Pangulo ang siyang Kalihim din ng Department of Agriculture (DA) ay kailangang matutukan na nito ang ‘availability’ at pagpapababa sa presyo ng pagkain.

Iminungkahi rin ng senador na palakasin nga­yong taon ang sektor ng agrikultura sa bansa at tulungan ang ating mga magsasaka.

Idinagdag pa ng Senate President na kung mura ang presyo ng pagkain ay mas lalong mararamdaman ng mga Pilipino ang epekto rin ng pagbaba ng inflation na nasa 6.1 percent mula sa dating 8 percent.

Kung kailangan umano na mag-import ng murang pagkain sakaling kulangin ang suplay ay mahalagang ma-balanse ito upang maprotektahan ang interes ng mga magsasaka habang pinananatili ang mababang presyo ng pagkain.

Tiwala naman si Zubiri na kaya itong tugunan ng Pangulo sa tulong na rin ng kanyang mga mahuhusay na tauhan.

Paalala naman ng mam­babatas sa publiko, mangangailangan ng sapat na panahon para sa pangmatagalan at pagsasaayos ng sistema sa agrikultura at hindi ito parang ‘magic wand’ na sa isang kumpas lang ay ayos na ang problema.

JUAN MIGUEL ZUBIRI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with