^

Bansa

‘Egay’ posibleng maging super typhoon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Egay’ posibleng maging super typhoon
Sa latest monitoring ng PAGASA, ang sentro ni Egay ay namataan sa layong 900 kilometro silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at may pagbugso na aabot sa 70 km bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Posibleng maging super typhoon ang bagyong Egay na nasa silangan ng Southeastern Luzon.

Sa latest monitoring ng PAGASA, ang sentro ni Egay ay namataan sa layong 900 kilometro silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at may pagbugso na aabot sa 70 km bawat oras.

Si Egay ay inaasahang patuloy na lalakas hanggang sa maabot ang Super Typhoon category sa hapon ng Lunes o umaga ng Martes habang kumikilos sa may karagatan silangan ng Luzon.

Magdadala ito ng mga pag-ulan mula Linggo hanggang Lunes ng u­maga sa bahagi ng Ca­tanduanes at Northern Samar. Ang mga lugar na hindi naman apektado ni Egay ay makakaranas din ng pag-ulan dahil sa epekto ng habagat sa may western sections ng MIMAROPA at Visayas sa araw ng Linggo.

Hindi naman kinakikitaan ng senyales na si Egay ay magla-landfall sa eastern portion ng mainland Cagayan at Batanes.

Gayunman, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat at magsipaghanda sa banta ng bagyong Egay.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with