1,793 pulis, nag-apply ng early retirement
MANILA, Philippines — Umaabot sa 1,793 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagsumite ng aplikasyon para sa early retirement ngayong taon.
Ito’y sa gitna ng kasalukuyang isyu tungkol sa pensyon para sa military at uniformed personnel (MUP).
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, marami sa kanilang mga tauhan ang nababahala na baka mabawasan ang kanilang pensyon.
Sinabi ni Fajardo, inaasahan pa nilang aakyat ang bilang ng mga mag-aapply ng early retirement ngayong taon dahil nangangalahati pa lang ang taon.
Noong 2022, nasa 2,449 pulis ang nag-apply ng early retirement.
Samantala, sinabi ni Fajardo na ongoing ang kanilang consultations sa mga pulis para malaman ang kanilang pulso sa reporma sa MUP pension scheme.
- Latest