Vigor Mendoza, bagong hepe ng LTO

Pinalitan ni Mendoza si Atty. Hector Villacorta na nagsilbing officer-in-charge ng LTO matapos magbitiw kamakailan si Jose Arturo “Jay Art”  Tugade.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang abogadong si Vigor Mendoza II bilang bagong hepe ng Land Transportation Office (LTO).

Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment ni Mendoza nitong Miyerkules.

Siya ay magsisilbi sa puwesto bilang assistant secretary.

Pinalitan ni Mendoza si Atty. Hector Villacorta na nagsilbing officer-in-charge ng LTO matapos magbitiw kamakailan si Jose Arturo “Jay Art”  Tugade.

Si Mendoza ay dating miyembro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nagsilbi rin si Mendoza bilang kongresista na kumakatawan sa 1-UTAK party-list group.

Inaasahang gaganapin ang turnover ceremony sa Lunes, Hulyo 24.

Show comments