MANILA, Philippines – Kinagigiliwan ngayon ng maraming Pinoy ang downloaded games.
Gayunman, ilan sa mga ito ay maaaring nagtataglay ng phishing malware, ayon sa joint investigation ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at ng mobile wallet na GCash.
Ang pinaka-karaniwang red flag na dapat bantayan sa downloaded gaming apps ay ang lantarang paghingi ng mga pribadong impormasyon tulad ng credit card numbers, at passwords para sa social media at bank accounts.
Kadalasan, ang gaming apps na ito ay nagtataglay ng malwares na lilinlangin ang mga player sa pag-click sa phishing link. Karaniwan ang mga ito sa apps kung saan bumibili ang mga player ng character upgrades o items at play-to-earn games.
“Links inside a gaming app scam can easily be distinguished because they use irregular formats like (http://gc.ashpin). Clicking on such links redirects users to obviously fraudulent websites and such actions should immediately be aborted,” payo ni GCash chief risk officer Ingrid Rose Ann Beroña.
Para sa gambling apps gaya ng e-bingo platforms, ang mga user ay pinapayuhang i-check kung ang kompanyang lumikha nito ay nakalista sa website ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Idinagdag ni P/Capt. Michelle Sabino ng PNP-ACG na, "Gamers should be wary of seemingly trustworthy persons or agencies initiating chats but soliciting personal information. Legitimate persons or institutions will never ask for such sensitive information."
Kapwa binigyang-diin ng PNP-ACG at GCash ang kahalagahan ng pagiging maingat sa emails o text messages na humihingi ng personal information. Nagbabala rin sila laban sa pag-click sa anumang embedded links. Inirerekomenda rin ang regular na pag-update sa mobile phone o compute software, na kinabibilangan ng cybersecurity features. Ang mga user ay pinapayuhan ding gumawa ng strong passwords para sa lahat ng online accounts.
Hinihikayat ang mga user na i-report ang mga insidente ng scams, fraud, at cybercrime sa PNP-ACG sa pamamagitan ng hotlines nito sa (02) 8414-1560 o 0998-598-8116 o via email sa acg@pnp.gov.ph.
Para isumbong ang mga scam, maaaring bisitahin ang official GCash Help Center sa help.gcash.com, o mag-message kay Gigi, at i-type ang “I want to report a scam.” Puwede ring tumawag sa GCash hotline na 2882 para sa anumang katanungan at concerns.