Kamara tutulungang umunlad maliliit na negosyante - Romualdez
MANILA, Philippines — Sisikapin umano ng Kamara na matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) na lumago upang makalikha ng mapapasukang trabaho at oportunidad na pagkakakitaan ng publiko.
Ginawa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pangako sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng National Food Fair (Philippine Cuisine and Ingredients Show) na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa SM Megamall sa Mandaluyong City.
“Dear friends, our mission in the House of Representatives is clear: to equip every Filipino entrepreneur with the necessary tools and conducive environment for success,” ani Romualdez.
“As the Speaker of the House, I pledge my commitment to this mission, confident that our collective efforts, our entrepreneurs’ resilience, and the Filipino people’s support will ensure its realization,” sabi pa nito.
Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga dumalo na ipagdiwang ang napakahalagang kontribusyon ng mga MSME at tignan ang hinaharap kung saan sila ang nangunguna sa pagpapaunlad ng bansa.
Ayon sa Speaker, kinikilala ng Kamara ang malaking kontribusyon ng mga maliliit na negosyo sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi rin ni Romualdez na inaprubahan na ng Kamara ang ilang panukala at mayroon pang mga aaprubahan upang matulungan ang mga maliliit na negosyo gaya ng Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act at House Bill No. 1171 o ang One Town, One Product Act (OTOP).
Ayon sa lider ng Kamara ito ay nakahanay sa polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Idinagdag nito na ang Pangulo ay naglaan ng P1.2 bilyon sa ilalim ng 2023 national budget upang suportahan ang mga programa para sa MSME.
- Latest