MANILA, Philippines — “Ibigay natin ang serbisyong para sa Pilipino.”
Ito ang winika ni Senator Christopher “Bong” Go sa isang video message habang isinasagawa ang relief operation ng kanyang grupo sa mahihirap na pamilya sa Tangalan, Aklan, noong Biyernes.
Sinabi ni Sen. Go, chair ng Senate Committee on Health and Demography, na bibigyan niya ng prayoridad ang pagpapabuti ng dekalidad na pangangalaga sa kalusugan ng bansa lalo na sa malalayong lugar.
Hinikayat nito ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino na bisitahin ang isa sa 158 Malasakit Centers sa bansa upang maranasan nila ang medical assistant program ng pamahalan.
Maaaring bisitahin ng mga residente ang Malasakit Center na matatagpuan sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital in Kalibo.
Ang Malasakit Center ay isang “one-stop shop” na ang layunin, ang pagtulong sa mga mahihirap na pasyente na kung saan ay matatagpuan din ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO.
“Ano ang qualification sa Malasakit Center? Basta Pilipino ka, poor and indigent patient ka, qualified ka sa Malasakit. Meron na po tayong 158 Malasakit Centers sa buong bansa. Lapitan niyo ang Malasakit Center para ‘yan sa mga Pilipino,” wika ni Go.