Tanggal-sapatos sa NAIA, ibinalik
MANILA, Philippines — Matapos ang higit dalawang dekada, ibinabalik na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang paghuhubad ng sapatos para sa security inspection sa mga pasahero na lalabas ng bansa, ayon sa Office of Transportation (OTS).
Sinabi ni OTS spokesperson Kim Marquez na ang “mandatory shoe removal policy” ay inumpisahan nang ipatupad nitong Hulyo 10 bilang parte ng kanilang pinaigting na “security arrangement” sa lahat ng terminal ng NAIA.
Una itong ipinatupad noong Disyembre 2001 na naging isang “global policy” makaraan ang tangkang pagpapasabog ng bomba na nakatago sa sapatos ng isang terorista habang sakay siya ng American Airlines flight patungo sa Miami mula sa Paris.
Bilang preparasyon sa bagong panuntunan, sinabi ni Marquez na nitong Disyembre 1, 2022 ay tinanggal ang halos lahat maliban sa isa sa X-ray machines sa NAIA Terminal 1 para mayroong lugar para sa mga aalis na pasahero at sa kanilang mga bagahe para sa naturang security check.
“There will be only one security check and that is at the final check right after the immigration area where high-tech X-ray machines, body scanners and metal detectors are in place to ensure all passengers are well screened,” paliwanag ni Marquez.
Sa pagtatanggal ng mga X-ray machines, sinolusyunan umano ng OTS ang reklamo ng mga biyahero sa sobrang dami umano ng pinagdadaanang security check sa paliparan. Ngunit ngayon, kailangan na nila magtanggal ng sapatos.
- Latest