MANILA, Philippines — Bilang bagong tanda ng brand ng governance, inilunsad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kampanya na “Bagong Pilipinas”.
Sa memorandum circular no. 24 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang “Bagong Pilipinas” ang magiging bagong tanda ng brand of governance ng administrasyon ni Marcos para isulong ang plano sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ang nasabing kampanya ay nakatakdang i-adopt ng bawat national government agency (NGA).
Nilunsad ng administrasyong Marcos ang kaampanya na ‘Bagong Pilipinas’.
“Bagong Pilipinas is the overarching theme of the Administration’s brand of governance and leadership, which calls for deep and fundamental transformations in all sectors of society and government, and fosters the State’s commitment towards the attainment of comprehensive policy reforms and full economic recovery,” pahayag pa ng Presidential Communications Office (PCO).
Ang naturang logo ay ilalagay sa bawat website, sulat at iba pang asset ng mga government agency.
“All NGAs and instrumentalities, including GOCCs and SUCs, shall adopt the ‘Bagong Pilipinas’ logo and incorporate the same in their letterheads, websites, official social media accounts, and other documents and instruments pertaining to flagship programs of the government,” ayon pa sa PCO.