MANILA, Philippines — Malaki ang maitutulong nang pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act upang higit pang tumaas ang rice production sa Pilipinas. Ito ang kumpiyansang pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kahapon.
Sa ilalim ng RA No. 11953, ang lahat ng utang ng 610,054 agrarian reform beneficiaries mula sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na umaabot sa P58 milyon, ay sasagutin na ng gobyerno habang ang mga lupa na ibinigay sa ilalim ng agrarian reform ay bibigyan din ng exemption sa pagbabayad ng estate tax.
“I have a strong feeling that the new law would pave the way for our farmers to produce more rice, which is our basic staple, and other crops that they grow in between rice planting,” ani Speaker Romualdez.
Dagdag pa ng lider ng Kamara, “Now that our farmers will soon be free of debt, I hope that they will be able to increase their produce to at least 100 50-kilo bags per hectare, from the present 60 to 70 cavans. But of course, the government will have to help along the way.”
Aniya, ang pagsalo sa utang ng mga benepisyaryo ay unang hakbang umano sa pagtulong sa mga magsasaka upang maging produktibo ang mga ito at maiangat ang kanilang buhay sa kahirapan at magpaparami sa produksyon ng bigas sa bansa.
Binigyang-diin din ng House Speaker ang pangangailangan na ituluy-tuloy ang suporta sa mga magsasaka upang mangyari ang layunin ng bagong batas.
Nanawagan pa si Speaker Romualdez sa mga ahensya ng gobyerno, partikular sa Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture at National Irrigation Authority ng tuluy-tuloy na suporta sa mga magsasaka.