'Dodong' kumikilos sa may Ilocos Norte; Signal no. 1 sa Luzon areas itinaas

Bandang 4 p.m. ngayong Biyernes nang mamataan ang sentro ng Tropical Depression Dodong sa baybayin ng Laoag, Ilocos Norte, sabi ng PAGASA.
RAMMB

MANILA, Philippines — Lalong bumilis ang bagyong "Dodong" habang kumikilos pakanluran ngayong nasa ibabaw ito ng coastal waters ng Laoag, Ilocos Norte — ito habang nagbabadyang lumakas at maging tropical storm sa West Philippine Sea sa Sabado.

Bandang 4 p.m. ngayong Biyernes nang mamataan ang sentro ng Tropical Depression Dodong sa baybayin ng Laoag, Ilocos Norte, sabi ng PAGASA.

  • Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 75 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran
  • Pagkilos: 20 kilometro kada oras

Nasa ilalim pa rin ng Troppical Cyclone Wind Signals ilang ilang lugar, bagay na magdadala ng malalakas na hangin.

Signal no. 1

  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • Apayao
  • Ilocos Norte
  • Abra
  • Ilocos Sur
  • Mountain Province
  • Kalinga
  • hilagang bahagi ng Isabela (Mallig, Quezon, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, San Pablo, Maconacon)

Nakikitang aabot sa hanggang 50-100 millimeter ang bagsak ng ulan ngayong hapon hanggang bukas sa mga sumusunod na lugar dahil sa bagyo: Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Benguet, Ilocos Norte, La Union, and Pangasinan.

"Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days," sabi ng PAGASA.

"Minimal to minor impacts from strong winds (i.e., strong breeze to near gale strength) are also possible within any of the areas where Wind Signal No.1 is currently in effect."

Maaari ring magdala ng mahanging panahon ang pinalakas na hanging habagat sa mga sumusunod na lugar na walang wind signal ngayong araw:

  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Western Visayas
  • CALABARZON
  • Metro Manila
  • Central Luzon
  • iba pang bahagi ng Northern Luzon

"Dodong is forecast to move westward or west northwestward before turning generally northwestward over the West Philippine Sea until it exits the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow evening or on Sunday early morning," wika pa ng state weather bureau.

"Dodong may reach tropical storm category by tomorrow while over the West Philippine Sea."

Inaabisuhan ng mga eksperto ang mga marinong nakasakay sa maliliit na sasakyang pandagat na ibayong mag-ingat kung sakaling papalaot sa dagat.

Pinaiiwas muna ang pagtuloy dito kung kulang ng karanasan at kagamitan ang mga naturang vessels.

Show comments