Manila-Paris direct flights bubuksan
MANILA, Philippines — Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inisyatiba ng gobyerno ng France na magbukas ng direct flights mula Maynila patungong Paris at palakasin ang scholarship programs para sa mga Filipino.
Ipinaabot ni Marcos ang kanyang pasasalamat kay outgoing French Ambassador to the Philippines HE Michèle Boccoz matapos ipaalam ang planong magbukas ng direktang flights at palakasin ang mga programa sa scholarship.
Sa kanyang farewell call sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ni Boccoz na pinahahalagahan ng gobyerno ng France ang hospitality ng mga Pilipino.
Magtatapos si Boccoz sa kanyang diplomatikong misyon sa Pilipinas ngayong buwan. Naglingkod siya bilang Ambassador ng France sa Pilipinas mula Pebrero 10, 2021.
Sinabi rin niya na ang gobyerno ng France ay nagsusumikap sa pagsusulong ng kanilang student exchange o scholarship programs upang hikayatin ang mas maraming Pilipino na mag-aaral sa Paris dahil naniniwala siya na maraming gifted at dynamic students sa bansa.
Tiwala naman si Marcos na itutuloy ng bagong French ambassador ang nasimulan ni Boccoz sa Pilipinas.
Pormal na itinatag ng Pilipinas at France ang diplomatikong relasyon noong Hunyo 26, 1947 sa paglagda ng Treaty of Friendship.
- Latest